in

Joshua pinaghahandaan ang pagboboksing

Nakatakdang magbida si Joshua Garcia para sa pelikulang Keys to the Heart kasama sina Charo Santos-Concio at Zaijian Jaranilla. Hango ang proyekto mula sa South Korean drama film na may parehong titulo.

Gaganap si Joshua bilang isang boksingero sa pelikula kaya nagpapaganda na ng katawan ngayon. “Sobrang excited akong gawin itong film. Ngayon nagte-training ako kasi ‘yung character ko dito medyo ma-muscle na. Ibang level na ‘yung gagawin ko next year,” bungad ni Joshua.

Ngayon lamang makakatrabaho ng aktor si Charo kaya aminadong nakararamdam na ng pressure sa mga gagawing eksena. “Excited akong makatrabaho siya. Gusto ko makita ‘yung kalalabasan ng mga eksena. Sana hindi ako maging sakit ng ulo sa set namin kasi nakakahiya naman kay Ma’am Charo,” paglalahad ng binata.

Samantala, bukas ay mapapanood muli si Joshua sa isang bagong episode ng Maalaala Mo Kaya. Nahirapan ang aktor sa mga eksenang ginawa dahil matagal nang napahinga sa pag-arte. “‘Yung emosyon ko parang makina na kailangang pinapainit para gumana siya. So mga first day ko, first scene ko sobrang hirap na hirap ako. Ang hirap palang bumalik sa trabaho kapag ang tagal mong napahinga. Naging mahirap pero kinaya,” pagtatapat ng aktor.

Pinoy Topic

Written by Pinoy Topic

Leave a Reply

Your email address will not be published.

AIRFUNDING, a global crowdfunding company donates care packs to typhoon Rolly’s hard-hit areas in Cagsawa, Albay in the Philippines

Kim Chiu Christmas Tree Decoration nag viral dahil sa napansin ng ma Netizens.