Madam Auring, Pumanaw na

Madam Auring, Pumanaw na

Pumanaw na ang tinaguriang celebrity fortune teller na si Madam Auring sa edad na 80 ngayong Biyernes, October 30.

Ito ay kinumpirma ng apo ni Madam Auring na si Daryl Simon Pecson sa pamamagitan ng isang Facebook post.

Sa kaniyang post nagpasalamat si Pecson sa kaniyang lola na aniya ay patuloy na nagsumikap para sa kanilang pamilya sa kabila ng edad nito. 

Hindi naman binanggit ni Pecson ang dahilan ng pagkamatay ni Madam Auring.

Narito ang post ng apo ni Madam Auring: 
“#RestInPeace my Lola.

“few days ago binisita kita magkausap lang tayo, dinalhan kita ng mga pasalubong at mga pangangailangan mo lubos ka nagalak.

“Grabe ang pinag daanan mo during your senior years pero you still worked hard for your family (us) i feel sad and happy.”

“Sad kasi i will never see you again, mga wisdom words mo, korni jokes, happy bondings, and pagkurot sa aking pisngi hanggang mamula.

“Happy ako kasi you have done everything you could to make us feel loved the way you know how, your struggles are over. You fought your battles silently. Magkikita na kayo ni Mama sa kabilang buhay.

“You shall always be in our hearts. Love you.”

Image Source: GMA NEWS

News