Bakit kakasuhan ng child abuse si Michelle .

Bakit kakasuhan ng child abuse si Michelle .

Sa Part 6 ng Tekla serye sa Raffy Tulfo in Action muling nakausap ni idol Raffy si Michelle.

Sa kanilang pag-uusap sinabi ni Michelle na nag-kaayos na sila ni Tekla alang-alang sa kanilang anak na si baby Angelo. 

Sa episode inanyayahan din ni idol Raffy na sumailalim si Michelle lhor sa cross-examination test para malaman kung nagsasabi nga ba ito ng totoo o hindi.

Ang resulta ng test, wala umanong tyansang matuloy ang kaso laban kay Tekla ayon kay atty. Garreth Tungol.

“Ang nakita ko kasi mukhang wala yung sufficient compulsion para mabuo po natin yung kaso for rape and acts of lasciviousness or child abuse dun sa bata dahil nanggaling na mismo sa bibig ni Michelle na may oportunidad naman pala siyang tumanggi at umalis sa mga panahon na pinipilit siya ni Mr. Tekla.” sabi ni Atty. Garreth Tungol

“So Pag kinaso ito, mahihirapan din?” tanong ni idol Raffy

“Kung tutuusin siya [Michelle] pa dapat ang kasuhan ng child abuse dahil bakit mo inexpose yung bata sa ganung kalaswaan” dagdag ni idol Raffy

“Michelle buti nalang at nagkaayos na kayo dahil kung ito’y kinorte delikado mahina ang laban mo.” sabi ni Raffy Tulfo

Trending