Super Tekla nagsalita na sa paratang laban sa kaniya ng live-in partner

Super Tekla nagsalita na sa paratang laban sa kaniya ng live-in partner

Sinagot na ni Super Tekla nitong Miyerkules ang mga akusasyong ibinato laban sa kanya ng kanyang live-in partner na si Michelle Lhor Bana-ag.

Noong Martes, nagreklamo si Michelle sa programa sa YouTube na “Raffy Tulfo in Action” kung saan inakusahan niya ang komedyante ng pang-aabuso.

Ayon kay Michelle, pipilitin siya ni Tekla na makipagtalik kahit sa mga araw na siya ay may sakit.

At kapag siya ay tumanggi, hindi umano siya at kanyang anak binibigyan ng pera para ipambili ng pagkain.

Sinabi din ni Michelle na si Tekla ay gagawa ng malaswang gawain kahit sa harap ng kanyang mga kamag-anak, kabilang ang mga bata, na nakatira sa kanila. 

Idinagdag niya na pinilit pa siya ni Tekla na gumamit ng contraceptive injection.

“kasi hindi po siya mapigilan yung sarili niya. Gusto siya mo akong galawin. Para po safety, pina-injectionan niya po ako. ” sabi ni Michelle

Sa pagsagot sa mga paratang, naging emosyonal si Tekla at sinabi na ito ay isang sensitibong isyu na dapat tinalakay lamang sa loob ng pamilya.

“Binabato mo ako ng isyu na pinipilit kita sa ganyang bagay — usapin natin Michelle ’yan, usapin ng pamilya ’yan. Isang napakasensitibong usapin ’yan Michelle,” sabi ni Tekla.

“Sana man lang nag-isip ka. Pinag-isipan mo kung ano ang maapektuhan.”

Pinabulaanan ni Tekla ang mga kanyang maling ginawa na binanggit ni Michelle, sinabi niyang hindi niya magagawa ang mga bagay na iyon dahil mayroon siyang mga kamag-anak na babae.

“Hindi totoo ’yan, ako nasa tamang katinuan pa naman ako, hindi ko magagawa ’yan Michelle. Utang na loob may anak akong babae Michelle, si Aira, may mga kapatid akong babae … Mahirap lang kami Michelle, sa bukid. Alam mo ang background ng family ko,” sabi ni Tekla.

Narito pa ang ibang pahayag ni Tekla

“Parte ng pagsasama natin ’yan Michelle, na ipinagkakait mo sa akin. Ginagawa mo akong tanga at timawa d’yan, ’yun ang totoo, pero naga-adjust ako kasi nanay ka ng anak ko eh.”

“Hindi ko kayo pinapagutuman, alam mo ’yan. Alam n’yo ’yan Shabi, alam n’yo ’yan Enrico, lahat naglaan pa ako ng GCash para sa inyong lahat para anytime hindi na lalabas dahil pandemic,” sabi Tekla.

“Siya ang hindi pumupunta sa ospital,” Tekla said referring to Michelle. “Ako, kani-kanino ako humapit ng tulong para maligtas yang batang diyan dahil hindi mo inalagaan iyan sa sinapupunan mo. Alam mo ang kuwento niyan, Michelle.”

“Di pa nag-si-sink in ‘yun sa utak ko na gagawin ‘yun sa akin. Unang-una, wala akong kaalam-alam, plinano nilang lahat… kung titignan mo yung video, wala akong kaalam-alam,”

“Michelle, karapatan mo yun, karapatan mo yun, nung una pa lang. Binlock n’yo na ako sa Facebook, wala akong idea nagkalabuan tayo. Gusto mong makipaghiwalay sa akin. Hindi ko pinagsisiksikan yung sarili ko sa inyo Michelle. Alam mo yan sa sarili mo. Alam mo yan, Michelle. Six years. Magsi-six years, anim ko kayong inaruga. Six years, wasted lahat.”

Trending