Dating live-in partner ni Tekla, nagsalita na rin tungkol kay Tekla

Dating live-in partner ni Tekla, nagsalita na rin tungkol kay Tekla

“Hindi naman po siya ganung klaseng tao”  -Airyn Gonzales

Sa kasagsagan ng kontrebersiya na kinakaharap ng komedyanteng si Super Tekla, biglang lumitaw sa eksena at nagsalita ang dati nitong kinakasama na si Airyn Gonzales.

Sa part 4 ng Tekla serye sa programang Raffy Tulfo in Action ikinwento ni Airyn kay idol Raffy ang tunay na ugali at pagkatao ng dati nitong kasintahan.

Ayon kay Airyn walong taon silang nagsama ni Tekla at mayroon silang isang anak.

Kwento niya nagkahiwalay sila ng komedyante dahil pag-aabroad nito. 

“Bakit po kayo nagkahiwalay?” tanong ni idol Raffy Tulfo

“Kasi medyo bata pa ako, gusto kong maabot ang pangarap ko na matulungan yung pamilya ko kaya nag-abroad ako.” sagot ni Airyn

Dagdag pa niya na ayaw umano siyang payagan ni Tekla sa plano nitong pagabroad pero pinilit pa rin daw niya ang gusto niya kaya sila nagkahiwalay.

“Ayaw niya po kasing pumayag pero tinuloy ko pa rin yung gusto ko.” ani Airyn.

Nagbigay rin ng komento si Airyn patungkol sa akusasyon ni Michelle na manyak umano si Tekla.

“Mag-kocoment lang din ako dun sa naririnig ko na manyak raw siya, hindi naman po siya ganung klaseng tao”  sabi ni Airyn.

Trending