Superman naTatay: Viral na mag-ama sa isang graduation

Superman naTatay: Viral na mag-ama sa isang graduation

Superman naTatay: Viral na mag-ama sa isang graduation
(Image Source: KMJS/GMA NEWS)



Marami ang naawa at humanga. Marami ang nagpahayag na magbibigay ng tulong sa mag-ama, lalo na sa usaping tsinelas, sapatos at mga damit. Marami ang nagpahayag na sila ay nahatiran ng inspirasyon, lalo pa’t nakasuot ng “Superman” na t-shirt ang ama at tangan ang kamay ng anak na gagraduate patungo sa stage.

“Eto po yung tatay na naka yapak habang sinasamahan nya anak nyang kinder papuntang stage dahil graduation ng bata.. kahit construction worker lang si tatay handa syang mag sakripisyo at mapagtapos sa pag-aaral ang mga anak nya, hindi hadlang ang kahirapan upang makamit ang pangarap.. taga La Fortuna Oriental Mindoro po ang mag-amang ito, saludo kami sa’yo tatay and congrats baby!” saad sa caption ng post.
Sa post ni Shiela Mae Matre-Ruiz, aniya: “Sila dapat tinutulungan. Sila po ay bumaba pa ng bundok makaattend lang ng graduation ng daycare. (Nakasanayan na po nila ang lumakad ng nakapaa, kahit po kami ay nahabag nang makita namin ang mga kababayan namin na ganito, meron pong pinahiram na sapatos pero hindi po mailakad ng ayos kaya pinili na lang na magyapak.) Sila po ay Mangyan at kalakip na sa kanilang kultura ang hindi pagsuot ng tsinelas o sapin sa paa.”
Bilang paglilinaw, may iba pang Mangyan na nakayapak din sa graduation ngunit tila mas tumimo sa pansin ng mga netizens ang ama na nakasuot ng Superman shirt — na higit na naghatid ng malalim na mensahe at nagbukas ng alaala ng nakaraan ng marami.
‘Di mabilang ang naantig sa larawan na naging “symbolic” para sa netizens. May ilang nagbahagi ng kanilang likhang drawing na bunsod ng inspirasyon hatid ng amang Mangyan, tulad nina Erick Walkingman.
Trending