in

PRRD, ipinagtanggol si NCRPO Chief Eleazar

(Photo: politics.com.ph)



Ipinagtanggol ni Pangulong Rodrigo Duterte si National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief, Major General Guillermo Eleazar.

Suportado ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ginawang pananabon at panggigigil ni Philippine National Police -National Capital Regional Police Office (PNP-NCRPO) Chief Guillermo Eleazar sa isang pulis na kinompronta nito dahil sa umano’y robbery extortion.

Ayon kay Pangulong Duterte – wala siyang nakikitang mali sa ginawa ni Eleazar sa “kotong cop”.
Aniya, nararapat lamang na gawin iyon ng NCRPO chief lalo at marami pa ring pulis ang gumagawa ng ilegal na gawain.
Sa kanyang talumpati sa anibersaryo ng Presidential Anti- Corruption Commission (PACC) sa Malacañang Miyerkoles ng gabi, sinabi ng Pangulo na walang masama sa ginawa ng heneral kahit pa sinabunutan nito at halos lamutakin ang mukha ng pulis na si Corporal Marlo Quibete sa harap ng media.


Pinoy Topic

Written by Pinoy Topic

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Advantages why you should hire a freelancer in your business

Eleazar galit na galit sa pulis na nagpapabayad kapalit ng laya